Thursday, October 29, 2009

~I wonder what's so euphoric about the things i say... :))


"Pagal"

Gusto ng itigil
Ngunit di na makapagpigil,
Sabik ng malaman,
Ang katotohanan.
Wag ng bitinin,
Pagal na ang damdamin.

Gusto ng tigilan,
Ngunit di makayanan, di mahayaan,
Di mabigyang kalayaan.
Pagod na ako,
Oh diyos ko,
Nasasaktan na ako.

Pagod ng maghintay,
Baka walang dapat hintayin,
Dalawang paskong lumipas, di parin dumating.

Gusto ng itigil
Ngunit di na makapagpigil,
Sabik ng malaman,
Ang katotohanan,
Wag ng bitinin,
Pagal na ang damdamin.

Nakahanap na ba ng ibang magpapaligaya?
Nasasakin pa ba, ang kakaibang sayang noo'y natamasa?
O lumipad na at tuluyan ng tayo'y walang pag asa?
~


"Habulan"
Hindi pa ba sapat
Ang iyong nadarama,
Upang ako'y iyong
-gustuhin na makasama?

Matagal ng pakikipagparamdaman
Ako'y nataya mo na,
Bakit hinahabol pa?
Sabihin mo ng ako'y taya
Para matigil na ako sa pagtakbo.

Sa habulang ito,
Malapit na akong sumuko.
Nararamdaman kong ikaw rin ay napapagod,
Nasasa iyo ang desisyon,
Kung sinabi mo na noon,
Edi sana di na tayo nagtatakbuhan pa ngayon.

Matagal ng nagpapakiramdaman,
Ako'y nataya mo na,
Bakit hinahabol pa.
Sabihin mong ako'y taya na
Para tumigil na sa pagtakbo.

Kelan ba titigil ang larong ito?
Mahal na kita,
Ako ba'y mahal mo?
~


There is nothing euphoric about the things i say. hahahaha!

No comments:

Post a Comment